Thursday, August 6, 2009

If today was yesterday, tommorrow is

ang ngayon.

Nakakabagot na naman ang linggong ito. Panay aral lang ang ginawa ko kasama ang pagsama sa aking kapatid kung saan niya gusto. Napagtanto ko din sa linggong ito na ang pagtingin sa isang taong gusto mo ay balewala kung wala kang ginagawa upang malaman mong gusto mo siya. Pero, ano naman ngayon kung malaman niya? Una layuan ka niya, di ka pansinin o pansinin ka niya. Eh ano ngayon ang ginawa ko? WALA. Una dahil hindi ko alam. Para bang mayroong hindi nakikitang pananggalang ang babaeng ito na nagtutulak sa akin palayo. At mukha nga naman ibang kasarian ang gusto niya. Kibig balikat na lang ako at nagsulat sa aking papel. Ano nga naman ang magagawa ko di ba?


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ngayong araw, tuloy ang aking planong pagtitipid para sa darating na mga kaarawan sa Septyembre. At ngayon ko lang naisip, bakit ba ako nagtitiis? Naisip ko, kasi para sa kanila. Ewan sapat na ba itong dhailan? Di ko alam pero siguro para dun sa taong yun na hindi pumapansin sa akin sa klase, pwede na siguro. Hahahaha. Hibang talaga ako. Ewan ko kung bakit pero ganun...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BUKAS

Maglalaro ang kasamahan ko sa klase ng basketball. Kahit di ako ganun karunong sumama pa rin ako para may makalaban sila tuwing ensayo. At ang nakuha ko? Sakit sa katawan at pagkakaibigan. Sana manalo sila bukas.


PS: Maganda talaga siyang ngumiti, kahit sa malayo ako nakatingin bakas pa rin sa aking mga mata ang kanyang ngiti.

No comments:

Post a Comment