Ito yung pananakit ng dibdib. Minsan, mararamdaman ito na para bang may nakapatong sa iyong dibdib, o kaya naman ay para kang sinusuntok na sakto sa kaliwang bahagi ng iyong dibdib. Pwede rin itong pangingirot ng iyong kaliwang dibdib, na may kasamang pamamanhid ng kaliwang braso.
Ganito ang nararamdaman ko kanina sa klase habang di kami nag-uusap. Habang pinipilit kong di pakinggan ang kanyang boses at habang pilit kong nilulunod ang kanyang tinig sa boses ng propesor. Ang sakit sa dibdib na hindi siya pansinin, pero mas masakit na hindi ako pinapansin kahit kinaka-usap ko siya ng ayos. Masakit, ito pala yung sinasabi ng matatanda na pangingirot ng dibdib dahil sa pangungulila. Nakakatawa lang ding isipin na hindi siya malayo, kung di nasa likod ko lang siya. Di ko siya matignan o maka-usap dahil alam kong walang mabuting maidudulot ito. At ngayon, mas sigurado ako, di ko pa kayang mag mahal, dahil may isang lugar pa rin sa aking katauhan na umaasa para sa kanya. Mas mabuti nga sigurong umiwas at wag ng umasa sa isang taong ayaw naman sa iyo. Siguro nga hinihintay ko pa rin na itakwil niya ako para matauhan ako. Kaya rin siguro ako umiiwas, ayaw kong maitaboy, na malayo sa kanya. Pero siguro oras na sigurong gawin to.
At habang pinipilit ko siyang limutin ito pa ang tumutugtog sa aking player.
Is she everything to me?

No comments:
Post a Comment